Monday, May 12, 2008

.....

Anong bigat itong nadarama
ngayo't anjan na sa harap mo
unti-unti pang nawawala
naglalaho,nawawala, nanghihina
at ang mahirap pa dun ay parang
wala kang magawa

Kinukuha sa harap mo
Pilit mong pinaglalaban
pero wala... wala talaga
sadyang naglalaho, lumalabo nanghihina
sadyang nawawala...
sadyang mabigat at mahirap madala

Magdasal man at dumulog
pero parang wala rin
walang nadarama...
tahimik rin siya
at lalong bumibigat pa

Gulung - gulo na ang utak ko
sa kakaisip ng mga ito
luha ay naguumapaw, tuloy tuloy ang pagagos
ngunit wala naman nagagawa ang pagiisip
pinahihina lang ang akin katawan

Poon ko, anong bigat itong nadarama
Pakiramdam ko ako ay nagiisa
Punuin lang ng presensya mo ay tama na
upang ituloy ko ang aking paghinga

No comments: